Lipa City – Nasa dalawang milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya sa Lipa City, Batangas alas 5:00 kaninang umaga.
Sa pamamagitan ng search warrant, sinalakay ng mga pulis ang bahay ng suspect na si Marcial Orbigoso sa Barangay Pangao.
Ayon kay Calabarzon PNP Regional Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, isa sa “big 3” na supplier ng droga sa Guadalupe Viejo sa Makati si Orbigoso.
Narekober sa kanya ang dalawang malalaki at labindalawang medium-sized plastic sachet ng shabu na may timbang na 300 gramo.
Nakumpiska rin sa suspect ang isang kalibre 45 baril, isang magazine at mga bala.
Nakakulong na si Orbigoso na ngayon ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act at illegal possession of firearms.