Sulu – Nasa 50,000 sako ng smuggled na bigas ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang barko sa Tonquil Island, Sulu.
Ayon kay PCG Capt. Armand Balilo – Huwebes ng umaga nang makatanggap sila ng intelligence report hinggil sa barkong MV Hulk na may lamang saku-sakong bigas.
Nakatakas naman ang shipmaster at ilang opisyal ng barko sakay ng isang motorboat.
Nakadaong ngayon ang barko sa Benjo Wharf, Zamboanga City habang hinihintay ang Bureau of Customs (BOC) para sa kaukulang desposisyon.
Napag-alaman kasi na walang import permit o kahit anumang dokumento na tutugma sa kargamento.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng mga smuggled na bigas.
Facebook Comments