KUMPISKADO | 90M Shabu Shipment nasabat!

Clark Pampanga – Pinangunahan ni CIAC Pres. & CEO Alexander Cauguiran at BOC Commissioner Isidro Lapeña ang pag-turnover sa nakumpiska ng BOC-Port Clark agents na shabu noong Huwebes, Enero 25, 2018.

Ayon kay Mr. Cauguiran, nanggaling umano ang mga karton na may lamang shabu sa Southern California. Samantala, ayon naman kay PDEA Central Luzon director Joseph Ladip, na kasama umano ito ng mga unang nakumpiska sa Cavite na may anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga naman ng Php 34 million.

Tinatayang Php90 million ang nakumpiskang 18 kilong shabu shipment sa Clark International Airport na dumating sa bansa noong nakaraang Huwebes, Enero25. Inihalo umano ang shabu sa anim na karton na ideneklarang mga rebulto umano ang laman.


Sa ngayon, mas lalong maghihigpit ang paliparan upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Ulat ni Jense Rualo
Photo-credited to CIAC – Corporate Communications Office

Facebook Comments