KUMPISKADO | Dalawang box na naglalaman ng milyon-milyong halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque at Cavite ng PDEA

Aabot sa 74.8 milyong piso ang halaga ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na lugar sa Paranaque City at Cavite.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino bukod sa nasamsam na illegal drugs, naaresto din sina Dolores Lintag 51-anyos at Melchor Corocoto 29-anyos, Daniel Dela Cruz 21-anyos, at William Dela Pizza.

Natuklasan ang illegal drugs nang iulat ng Bureau of Customs (BOC) ang suspicious package na ipinagbigay alam ng isang freight forwarding services sa Clark Freeport Zone.


Matapos ang dalawang araw na surveillance, dalawang team ng PDEA ang nagtungo sa Barangay Martin de Porres sa Paranaque City at San Nicolas, Bacoor Cavite.

Nakuha sa Paranaque City ang humigit kumulang sa 6.5 kilograms ng shabu na nakapaloob sa kahon na dineklarang naglalaman ng grill pan at stool bat na tinatayang nasa P44.2 milyon ang halaga at pagkaaresto kina Corocoto at Lintag.

At tinatayang nasa 4.5kilograms na shabu naman ang nakuha sa Cavite na nakapaloob sa box na nagkakahalaga ng P30.6 milyong piso at pagkaaresto kina Dela Cruz at Dela Pizza.

Dagdag pa ni Aquino ang controlled delivery ang isang modus na ginagamit ng sindikato sa pag transport ng illegal drugs mula sa ibang bansa.

Facebook Comments