KUMPISKADO | FDA nakasabat ng mga ilegal na beauty products na nagkalat sa merkado

Manila, Philippines – Sinalakay ng mga operatiba ng Food and Drug Administration (FDA) kasama ang mga tauhan ng PNP CIDG Anti-Fraud and Commercial Crime Division ang dalawang warehouse at Binondo outlet ng Cavite-based multi-million-peso on-line syndicate at nakasabat ng mga unregistered beauty and health products na umano ay smuggled mula Thailand.

Sa nasabing operasyon arestado ang tatlong suspek na kinilalang sina Zynor Gacusan, kapatid at assistant na si Fea Shane Feniza, at caretaker na si Chris Ramirez.

Nakumpiska sa isinagawang raid ang P5.9 million na halaga ng mga unregistered beauty, slimming and skin-whitening products na Goree.


Ang nasabing produkto ay mataas ang mercury levels na maaaring magdulot ng kidney damage, skin damage at skin discoloration.

Ayon kay Retired Police General Allen Bantolo, Chief FDA Regulatory Enforcement Unit, nakakatanggap sila ng mga reklamo mula sa Goree customers and users na nasunog ang kanilang balat simula nang gumamit ng nasabing produkto.

Kaya paalala ng FDA sa publiko na huwag nang tangkilin ang mga nabanggit na produkto lalo na at mayroon itong hindi magandang epekto sa sinumang gagamit nito.

Facebook Comments