Bulacan – Ikinandado ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang storage ng pharmaceutical company sa Bulacan matapos na walang maipakitang license to operate to manufacture, distribute and sale.
Nasabat ng FDA ang halos dalawang milyong pisong halaga ng iba’t- ibang veterinary medicines sa nasabing storage facility sa San Rafael, Bulacan.
Ayon sa FDA, nilabag ng Tryco Pharma Corporation ang FDA Act of 2009 dahil sa pag-ooperate nang walang lisensya.
Ilan sa mga nasamsam ng FDA ay ang 58 kahon ng gamot ng mga hayop.
Facebook Comments