KUMPISKADO | Higit sa P1-M halaga ng shabu, nasabat sa Taguig

Taguig City – Timbog ang isang lalaki na bukod sa pagiging pusher nagpapatakbo din ito ng drug den sa Mariano Street, Barangay Ususan, Taguig City.

Sa ulat, target sa operasyon si Gary Cruz na matagumpay naaresto sa ikinasang buy-bust operation.

Ayon sa NCRPO Regional Drug Enforcement Unit, nakabili ng P200,000 na halaga ng shabu ang mga operatiba at matapos maiabot ang mark money ay agad inaresto si Cruz.


Nakumpiska ang nasa 250,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 1.7 milyon pesos.

Inabutan din sa drug den ang anim na iba pang drug suspek na sina Zosima Rogerson, Napoleon Tolentino Jr., Jose Gallardo Carlos, Ariel Legaspi, Arturo Villar at Rene Pascual.

Facebook Comments