KUMPISKADO | Kalahating milyong pisong halaga ng marijuana, sinunog ng mga otoridad sa Cebu City

Cebu City – Sinunog ng mga awtoridad ang nasa P500,000 na halaga ng tanim na marijuana sa sitio Hagimit, Barangay Adlaon, Cebu City.

Sa ulat, aksidenteng nakita ng mga pulis at naval forces central ang plantasyon ng marijuana habang nagpatrolya sila sa lugar kung saan nasa lupain ito na pagmamay-ari ng gobyerno.

Walang naabutang tao ang mga pulis at nakuha nila mula dito ang 1,080 na malalaking halaman ng marijuana.


Dahil mahihirapan na silang dalhin ito pababa, nagdesisyon na lamang sila na sunugin na lang ang mga tanim ng marijuana para hindi na mapakinabangan pa.

Facebook Comments