KUMPISKADO | Limang baka, kinumpiska ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries sa Cebu City

Cebu City – Napag-alaman na sapilitang pinapainom ang limang baka ng tubig para pabigatin ang timbang bago ibenta sa mga mamimili.

Ayon sa ahensya, apat sa limang baka ang namatay dahil sa paglaki ng tiyan na nagkakahalaga ng P300,000.

Iniimbestigahan na ng otoridad ang dalawang may-ari ng mga baka.


Batay sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act at Cebu City Ordinance 2080, bawal ang sapilitang pagpapainom o pagpapakain sa mga hayop.

Facebook Comments