KUMPISKADO | Mahigit 100 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat ng customs

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit 120 milyong pisong halaga ng shabu na nakapasok sa Clark Freeport Zone.

Ayon sa BOC, galing sa California ang naturang mga shipments na naglalaman ng 17.7 kilograms ng shabu, na itinago raw sa loob ng mga parcels na idineklarang upuan at bar stools.

<www.bomboradyo.com/pulis-na-rumisponde-sa-insidente-ng-pamamaril-nabaril-din/>Naka-consigned ang naturang parcels kina Christian Santillan Frias, Robert Alejandro Nazareno, at Dominic Espinosa Gallardo ng Quezon City at Gina Fernandez Santiago ng Taguig City.


Ipinadala raw ang shipments na ito nina rania Frias, Maria Nazareno, Vanessa Gallardo, at Rania Fernandez.

Kasalukuyan nagsasagawa ng follow-up investigation ang customs para matunton ang mga nakapangalan sa consignee.

Facebook Comments