KUMPISKADO | Mahigit 20,000 sako ng smuggled na bigas, nasabat ng PCG

Basilan – Aabot sa 22,000 sako ng smuggled na bigas ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Basilan.

Nagpapatrolya noon ang mga miyembro ng PCG lulan ng BRP Cape San Agustin nang mamataan ang m/l overseas na may dalang 10,000 sako ng bigas sa may Tamuk Island.

Makalipas lang ang ilang minuto sunod namang namataan ng PCG ang m/l na may dalang 12,000 sako ng bigas.


Parehong walang kaukulangang dokumento ang nasabing mga bigas na hinihinalang galing ng Malaysia.

Kinumpiska ang dalawang vessel at dinala sa Zamboanga City Port habang nasa kustodiya na ng otoridad ang mga bigas.

Facebook Comments