KUMPISKADO | Mahigit 30 milyong halaga ng mga hindi deklarado at smuggled na mga sigarilyo at agricultural products, nasabat ng BOC

Manila, Philippines – Nakummpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P36.5 milyon na halaga ng mga hindi deklarado at smuggled na mga sigarilyo kasama na ang ilang agricultural products sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Customs, laman ng pitong 40-foot container vans ang mga produktong nasamsam sa Manila International Container Port kung saan ilan sa mga ito ay naglalaman ng kahon-kahong mansanas, subalit nang halukayin sa ilalim ay tumambad ang mga sibuyas at carrots.

Nakita pa ng customs ang mga pekeng sigarilyo sa ibang container van.


Nabatid na madalas itago sa kahon ng mansanas ang mga produktong ipinupuslit sa Pilipinas dahil tax-free ang naturang prutas kumpara sa ibang agricultural products.

Kakasuhan naman ng paglabag sa customs law ang mga consignee na Khalevskies Enterprises, Trixcean Trading, Ashton And Ilyze Trading, Yohann Rein Trading at Marid Industrial Marketing.

Facebook Comments