KUMPISKADO | Matataas na kalibre ng armas na umano’y gagamitin sa ‘Red October’, nasabat

Nakumpiska ng Philippine Army at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga high powered firearms na gagamitin umano sa Red October destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Commander of the 202nd Infantry Brigade, ang mga armas ay nakuha sa pinaniniwalang safe house ng New Peoples Army o NPA sa coral farm na pag-aari ng isang Lily Ong sa Teresa, Rizal.

Aniya, tinarget ng operasyon sina Armando Lazarte, Secretary ng NPA’s Sub-Regional Military Area 4a at Tirso Alcantara na dating commander ng NPA Terrorists’ Regional Yunit Guerilla.


Maliban sa mga matataas na baril, nakumpiska rin ang mga two way radio, mga granada, cellphone, mga dokumento at iba pang materyales.

Giit ni Burgos, ang mga nasabing mga armas ay indikasyon na naghihintay lang ang NPA ng magandang pagkakataon para ilunsad ang Red October.

Facebook Comments