KUMPISKADO | Mga baril, nakumpiska matapos ang engkwentro ng mga pulis at armadong grupo sa Leyte

Leyte – Nakumpiska ng mga otoridad ang ilang mga baril matapos makaengkwentro ng mga pulis ang grupo ng mga lalaki sa Barangay Omaganhan, bayan ng Tabango, Leyte.

Ayon kay Chief Superintendent Gilberto Cruz ng Police Regional Office 8, ilang residente ang nagsumbong sa kanila dahil sa umano ay pang-ha-harass ng ilang armadong lalaki.

Aniya, nakipagbarilan pa ang mga lalaki pero nakatakas ang mga ito.


Nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, dalawang caliber .38 pistol, isang 5.56 caliber, isang m-16 rifle at isang improvised shotgun.

Patuloy naman ang hot pursuit para mahuli ang mga armadong lalaki.

Facebook Comments