KUMPISKADO | Mga pekeng gamot, nasabat ng FDA

Manila, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mga pekeng gamot sa isang warehouse sa Orion Street, Tondo, Manila.

Nanguna sa operasyon ang mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) Regulatory Enforcement Unit (REU), Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Fraud and Computer Crimes.

Ayon kay Food and Drug Administration Chief of Regulatory Enforcement Unit Retired General Allen Bantolo, target ng kanilang search warrant ang may-ari ng ware house na si Alex Asistio.


Aniya, isinailalim nila sa isang taong surveillance si Asistio pero nahirapan silang matunton ito dahil palipat-lipat ito ng lugar.

Sabi ni Atty. Guillermo Dalipog of the FDA-Regulatory Enforcement Unit (REU), kasama sa kanilang nasabat ay mga pekeng tableta at capsules na gawa umano ng mga pharmaceutical companies tulad ng UNILAB, Sanofi, Pfizer.

Dini-distribute aniya ni Asistio ang mga ito bilang gamot sa lagnat, ubo, sipon at pain relief.

Nahaharap si Asistio sa kasong paglabag sa Republic Act 8203 o Special Law in Counterfeit Drugs at maaaring makulong ng 10 taon.

Facebook Comments