KUMPISKADO | Mga pekeng gamot nasabat ng mga operatiba ng FDA

Sinalakay ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Dr. Farrah Bunch Natural Medical Center in Victoria Town, Tarlac City kamakailan

Sa nasabing raid, nakasabat ang mga otoridad ng mahigit P800,000 halaga ng mga unregistered health products.

Ayon kay Retired Police General Allen Bantolo, Chief ng FDA Regulatory Enforcement Unit, bago ang raid, nakatanggap sila ng tip na ang mga itinitindang produkto ng Dr. Farrah Bunch Natural Medical Center ay pawang mga hindi rehistrado.


Sinabi pa ni Bantolo na si Dr. Bunch, ay imbentor ng herbal medicines na gumagamot sa ilang sakit tulad na lamang ng cancer.

Mayroon din itong 19 na health products na mayroong claimed therapeutic effects pero sa naturang operasyon nabigo itong magpresinta ng certificates of product registration.

Dahil dito, ipaghaharap ng paglabag sa Republic Act 9711 o FDA Act of 2009 ang naturang doctor.

Facebook Comments