Caloocan City – Nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa P5 milyong halaga ng mga pekeng gamot sa Caloocan City.
Ayon kay Cesar Bacani, National Bureau Of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) Regional Director, tumambad sa kanila ang milyon-milyong halaga ng pekeng gamot nang salakayin ang isang bahay na ginagamit na imbakan.
Kabilang sa mga nasamsam ay mga pekeng gamot para sa ubo, sipon, tiyan at lagnat.
Naniniwala naman ang NBI na galing sa ibang bansa ang mga nakuhang pekeng gamot.
Paalala naman ni Bacani, huwag bumili sa mga kahina-hinalang tindahan at magdoble-ingat sa mga binibiling gamot.
Iimbestigahan na ang dalawang katiwala ng bahay kung may kaugnayan ang mga ito sa krimen.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa intellectual property law ang may-ari ng bahay.