Parañaque City – Aabot sa P300 milyong halaga ng mga counterfeit na sapatos, bag at backpacks ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa tatlong bodega sa Baclaran, Parañaque City.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, sinalakay ng mga tauhan ng Enforcement and Security Services (ESS) ang tatlong bodega matapos makatanggap ng “tip” na nakaimbak ang mga pekeng sapatos, bag at backpack.
Aniya, natanggap din ng BOC ang reklamo mula sa brand representative ng Lee Bumgarner Incorporated, ang brand owner ng shoe at apparent brand na “Vans”.
Wala naman aniyang nahuli sa mga Chinese national na nagmamay-ari sa mga bodega.
Sabi ni Lapeña, ibenenta sa internet ang mga produkto kung saan mga orihinal ang ipinakikita pero peke ang ipapadala sa customer.
Nakatakda namang wasakin ng BOC ang mga bag at sapatos sa mga susunod na araw.