KUMPISKADO | Milyun-milyong halaga ng dried marijuana, nahukay sa bakuran ng dalawang suspek sa Bulacan

Balagtas, Bulacan – Nasa isang-milyong pisong halaga ng dried marijuana bricks ang nahukay ng pulisya sa bakuran ng bahay ng dalawang suspek sa Balagtas, Bulacan.

Arestado naman sa buy-bust operation sina Ahmed Guevarra at Jervin Santos.

Bukod sa kilo-kilong marijuana, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang pipa at marked money.


Ayon sa Bulacan-PNP, galing pa sa Kalinga ang kontrabando.

Ayaw namang magsalita ng dalawa kung sino ang kanilang mga parokyano at supplier ng marijuana.

Facebook Comments