KUMPISKADO | Milyung pisong halaga ng mga puslit na sapatos at beauty products, nasabat sa NAIA

Manila, Philippines – Aabot sa P40 milyong piso halaga ng beauty products, branded rubber shoes at iba pang ‘smuggled items’ ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t-ibang bode­ga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang 27 balikbayan boxes ay pawang naglalaman ng mga kontrabando kung saan dumating ang mga ito sa Pilipinas mula sa magkakahiwalay na petsa.

Ang mga kahon na naglalaman ng ‘smuggled items’ ay kinabibilangan ng 6,500 beauty products na nagmula sa Abu Dhabi.


Ilan sa mga ito ay Goree day and night whitening cream, Goree beauty cream, Goree lotion, soaps and make up kits at glutathione products na nagkakahalaga ng P38 million.

Nasamsam din ng Customs ang iba’t-ibang branded rubber shoes na galing sa Italy subalit gawang China ang mga produkto.

Facebook Comments