KUMPISKADO | P1.36-M halaga ng shabu nasabat sa Pasig City

Pasig City – Nasa 1.36-milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa buy-bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig.

Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, bunga ito ng nauna nilang operasyon noong June 11 kung saan nasa P680,000 na halaga ng iligal na droga ang kanilang narekober.

Naaresto naman ang drug supplier na si Haimen Rangaig alyas “Juharey Mauyab”.


Napag-alamang miyembro ng Juharey Buratong drug syndicate ang suspek na nag-o-operate sa Pasig at Maynila.

Sinampahan na siya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments