KUMPISKADO | P11-M halaga ng smuggled rice, nasabat sa Zamboanga

Zamboanga City – Tinatayang nasa 11 milyong pisong halaga ng smuggled na bigas ang nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga City kahapon.

Ayon sa PCG – galing Malaysia ang 7,000 sako ng bigas na ibiniyahe papuntang Zamboanga sa pamamagitan lang ng motorboat.

Nadiskubre ang mga smuggled rice sa likod ng isang mosque sa Barangay Recodo pero bigo silang mahuli ang mga tao sa likod ng pag-aangkat ng mga bigas.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments