KUMPISKADO | P163-M halaga ng shabu, narekober ng PNP sa Sta. Ana Maynila

Manila, Philippines – Narekober ng pulisya ang 24 na kilo ng shabu sa kanilang isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa Sta. Ana Manila.

Ayon kay Northern Police District Director Police Chief Superintendent Amando Clifton Empiso, nakuha ang 24 na kilo ng shabu na nakalagay sa kulay puting luggage sa loob ng isang sasakyang nakapark sa Manila Central University sa Sta. Ana Manila.

Ang shabu ay may street value na 163 million pesos na nakuha sa naarestong mag-ina na sina Ian Akira Calabio at 26-anyos at Ruby Calabio, 61-anyos.


Pero bago ito dalawang suspek ang naaresto ng mga pulis sa Caloocan na kinilalang sina Luzviminda Basilio at Jocelyn Santos.

Nakuha sa kanila ang 20 gramo ng shabu, at nang isailalim sila sa interogasyon ng pulisya itinuro nila ang kanilang mga kasabwat na mag-ina na sina Ian at Ruby Calabio.

Sinabi naman ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na ang pagkakakumpiska sa kilo-kilong shabu ay patunay na hindi tumitigil ang PNP sa kanilang kampanya kontra droga.

Facebook Comments