Manila, Philippines – Aabot sa P170 milyong halaga ng high-grade shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang Chinese national sa buy-bust operation sa Ermita, Manila.
Ang hinihinalang droga ay nakalagay sa isang maleta na nasa loob ng Honda Civic ng suspek na nakilalang si Lin Hua Sen, 42-anyos, residente ng Bagong Nayon, Antipolo City.
Maliban sa mga droga, nakuha rin sa suspek ang isa pang bag na naglalaman ng mga dokumento at mga damit.
Ang suspek ay hinihinalang sangkot sa multi-milyong pisong bentahan ng droga.
Facebook Comments