KUMPISKADO | P24-M halaga ng ecstasy nasabat sa Pasay

Pasay City – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa labing apat na tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng higit dalawangpu’t apat na milyong piso sa Central Mail Exchange Center, Pasay City.

Ayon kay Port of NAIA District Director Mimel Talusan, nadiskubre ang mga party drugs na nakalagay sa mga plastic at nakasiksik sa Central Processing Unit o CPU ng desktop computer kasama ang ibang electronic gadget.

Aniya, Agosto a-kwatro nang dumating ang naturang package mula France at dalawang linggo na ang lumipas bago ito kinuha ng isang Joan Reynoso na taga Cavite City.


Nabatid na ito na ang ikatlong pagkakataong nakasabat ang customs ng mga party drugs sa bansa.
Nakatakda namang i-turn over ng customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga tableta ng mga ecstasy.

Facebook Comments