Misamis Oriental, Philippines – Tinatayang nasa 35-milyong piso halaga ng puslit na bawang ang nasabat ng Bureau of Customs sa Villanueva, Misamis Oriental.
Pinangunahan mismo ni BOC Commissioner Isidro Lapeña ang pagbubukas sa 14 na container van sa Mindanao International Container Terminal.
Idineklarang mga bawang ang laman ng unang limang container van, pero nang inspeksyunin, may laman din itong mga sibuyas.
Habang ang siyam na iba pa ay idineklarang mga bag at sapatos mula China, pero nang busisiin, mga ukay-ukay pala na ipinagbabawal na sa ilalim ng batas.
Pinaiimbestigahan na ni Lapeña ang mga consignee ng kargamento na posibleng masuspinde ang akreditasyon.
Facebook Comments