KUMPISKADO | P800,000 halaga ng shabu, nasabat

15

Negros Occidental – Aabot sa P800, 000 halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa drug bust operation sa Barangay Efigenio Lopez, Talisay City, Negros Occidental.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Talisay City Police Station ang suspek na si Joven Catipay.

Ayon sa pulisya, isinailalim nila sa dalawang buwan surveillance si Catipay na galing Cebu.

Maliban rito, nakatanggap rin sila ng impormasyong may arrest warrant si Calipay na may kaugnayan rin sa droga sa Cebu City pero bineberipika pa nila ito.

Facebook Comments