KUMPISKADO | Pagawaan ng armas at bomba ng BIFF, nakumpiska sa Maguindanao; 15 katao arestado

Maguindanao – Nakubkob ng militar at pulisya ang pagawaan ng armas at bomba ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao kahapon.

Ayon kay 33rd Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Harold Cabunoc alas-5:00 ng madaling araw kahapon pinasok nila ang kuta ng mga terorista na pinamunuan ni Sukarno Buka alias Buka at Parido Balabagan alyas Banog, kasama ang 1st Mechanized Infantry Battalion,7th Field Artillery Battalion at PNP 4th Special Action Battalion.

Nasamsam ng mga sundalo at pulis ang mga matataas na uri ng armas kagaya ng Ricket Propelled Grenade launchers, home-made rifles, handguns at mga bala.


Dinakip rin ng mga otoridad ang 15 katao na ngayon ay iniimbestigahan na dahil posibleng sangkot sa paggawa ng armas, bala at bomba ng BIFF.

Pinuri naman ni 6th ID Chief Brigadier General Cirilito Sobejana, ang mga sundalo at pulis sa matagumpay nilang operasyon lalo na sa mga sibilyan na nagbibigay sa kanila ng impormasyon.

Facebook Comments