KUMPISKADO | PCG nakasabat ng mga baril sa Cebu

Cebu -Nakakumpiska ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng ilang piraso ng baril na tangkang ipuslit patungong Mindanao.

Ayon PCG Spokesman Captain Armand Balilo, umabot sa 46 Unit ng kalibre. 45 baril at mga magazine ang nakumpiska sa mga suspek na sina Velina Cubol, 36-anyos, Flora Mae Cubol, 35-anyos at Maria Bella Manot,55-anyos na pawang mga residente ng Barangay Suba, Danao City, Cebu.

Paliwanag ni Balilo kasama ng Coast Guard K-9 Central Visayas at Coast Guard Sub-Station sa pag-inspeksyon sa dala-dala ng mga suspek habang sakay ng rolling cargo patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte mula sa South Bus Terminal Cebu City via Samboan Cebu.


Dagdag pa ni Balilo na parehong dinala naman sa Samboan PNP ang mga naaarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation dahil sa nakuhang mga iligal na armas.

Facebook Comments