Manila, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) NAIA ang dalawang shipment ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Unang nasabat noong April 23 ang shabu package na tumitimbang ng 344.5 grams na itinago sa loob ng isang pillow o unan at naka-consigned sa isang susano trinidad ng Cubao Quezon City na ipinadala ng isang Audio Schit.
Ang ikalawang shabu package ay nasabat noong April 27, na tumitimbang ng 2,031 grams ay itinago naman sa medicine cabinet at naka-consigned sa isang Joey Cuenca ng Imus Cavite na ipinadala ng isang Stephanie Morse.
Sinabi ni BOC Commissioner Isidro Lapena, ang dalawang shipment ng shabu ay nagmula sa California USA ay pinaniniwalaang kagagawan ng Sinaloa Mexican Drug Cartel.
Ang shipment ay nasabat base sa profiling ng Customs-NAIA examiner, ang parcel ay dumaan sa x-ray examination, K9 sweeping, field test gamit ang chemical identifier at reagents.
Ang packages ay natuklasan na may fictitious consignees at delivery address.