KUMPISKADO | Syam na milyong halaga ng fully grown marijuana plants, narekober sa dalawang barangay sa Kalinga Province

Kalinga Province – Narekober ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office ang 45 libo at isang daang fully grown marijuana plants sa labing dalawang plantation sites sa Barangay Buscalan at Barangay Loccong sa Kalinga Province.

Ayon kay PNP Cordillera Regional Director Police Chief Superintendent Edward Carranza, iniutos mismo ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagtukoy o paghahanap ng mga plantasyon ng marijuana sa rehiyon na kilala bilang pangunahing pinagmumulan ng marijuana sa bansa.

Ang marijuana plants ay aabot sa halagang mahigit syam na milyong piso na kanilang binunot sa taniman at sinunog kahapon.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PNP Cordillera na magtu-tuloy tuloy ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.


Facebook Comments