Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila ang mga mamahaling sasakyan na tila inabandona at idineklara sa mas mababang halaga.
Ito’y matapos makatanggap ng impormasyon ang BOC na naglalaman ng mga “luxury vehicles” ang ilang container van sa Manila International Container Port (MICP) sa port area.
Ilan sa mga nakumpiska ng Customs ay isang F430 Ferrari at Dalawang Lamborghini Murcielago na nagmula pa sa United Arab Emirates kung saan idenaklara ang mga ito sa halagang P17 milyon, mas mababa ng halos P3 milyon sa tunay na halaga.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, mas lalo pa nilang paiigtingin ang pagbabantay sa pagpasok ng mga mamahaling sasakyan sa bansa at nagbanta din ito sa mga nagsasamantala.
Kasama naman sa mga nakumpiska’y ang idineklarang mga second-hand items mula Australia pero nakatago sa loob ay isang mamahaling motor.