KUMPIYANSA | Inflation, hihina sa mga huling buwan ng taon – ayon sa BSP

Manila, Philippine – Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa ang inflation pagsapit ng mga huling buwan ng taon.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo – bababa ang inflation sa susunod na dalawang taon.

Batay sa forecast ng BSP, nasa 3.7% ang inflation sa 2019 habang bababa pa ito sa 3.2% pagsapit ng 2020.


Isinusulong ng BSP ang ilang hakbang para mapababa ang inflation tulad ng pag-aangkat ng bigas at pagpapasimple ng mga hakbang para makarating agad sa merkado ang mga produkto.

Sanib-pwersa na rin ang Department of Trade And Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), National Food Authority (NFA) at iba pang ahensya sa pagbabantay para maiwasan ang diversion sa commodity goods.

Facebook Comments