KUMPIYANSA | Inflation, posibleng bumaba pagdating ng Oktubre – BSP

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumaba ang inflation pagdating ng Oktubre.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo, nagpapatupad na ng mga monetary at non-monetary measures para maibsan ang epekto ng inflation.

Kabilang na rito ang pag-aangkat ng bigas at ang rice tariffication.


Hindi pa masabi ni Gunigundo na naabot na ng bansa ang peak o pinakamataas na inflation ngayong taon.

Nitong Agosto ay umabot sa 6.4% ang inflation.

Ani Gunigundo – tinatayang ang Agosto o kaya Setyembre maitatala ang peak rate.

Umaasa ang BSP na hihina ang inflation pagsapit ng huling kwarter ng taon.

Facebook Comments