Manila, Philippines – Kumpiyansa si KABAYAN Party-list Representative Ron Salo na makukumbinse ang Kamara na agarang maipasa ang panukalang batas para gawing legal ang paggamit ng marijuana sa Pilipinas sa medical purpose.
Ito ay kasunod ng naging sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray hinggil sa isyu ng marijuana.
Ayon kay Salo, malaki ang maitutulong ng cannabis para mapabuti ang lagay ng mga pasyenteng dumaranas ng seizures, multiples at epilepsy.
Sa ngayon ay lusot na sa Committee on Health ang House Bill 6517.
Matatandaang binigyang-diin ni Miss Universe Catriona Gray ang pagbabawal sa recreational use ng marijuana pero legal pagdating sa panggagamot.
Facebook Comments