Kumpiyansa ng healthcare workers sa bakuna, tumataas – Nograles

Mas maraming healthcare workers na ang nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, tumataas ang kumpiyansa ng mga health frontliners sa COVID-19 vaccines mula nang simulan ng pamahalaan ang rollout nito.

Ang mga ulat aniya ay natatanggap nila mula sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.


Dagdag pa ni Nograles, bumaba ang alinlangan ng mga tao sa bakuna dahil mas maraming ospital ang humihingi ng vaccine supplies para sa kanilang mga tauhan.

Muling iginiit ni Nograles na ‘ultimate priority’ ang mga healthcare workers sa vaccination.

Facebook Comments