Kumpiyansa ng mga Pilipino sa bakuna, tumaas pa – DOH

Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipino nagtitiwala sa COVID-19 vaccines.

Batay sa survey na isinagawa ng Department of Health (DOH) mula March 19 hanggang 30, nasa 75% ng respondents ang nagsabing handa silang magpabakuna laban sa sakit.

Nasa 85-percent ng respondents ang naniniwalang ligtas at mabisa ang mga bakuna.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dumarami ang mga taong nagpapabakuna dahil nakikita nila ang maayos na proseso at maraming taong nababakunahan.

Facebook Comments