Kumpiyansa ng mga taga-Cebu City sa pagbabakuna, tumaas matapos na sumipa muli ang kaso ng COVID-19

Tumaas ang kumpiyansa ng mga taga-Cebu City sa pagbabakuna simula nang sumipa muli ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na noong Marso, nasa 1,000 lamang ang nagpaparehistro sa kanilang vaccination program na isinisi nito sa mga nagpapakalat ng fake news.

Ngayon, umabot na sa 10,000 hanggang 17,000 ang nagpaparehistro kada araw.


‘Yun nga lang, nasa 7,000 hanggang 10,000 lamang kada araw ang kayang maturukan sa kanilang mga vaccination sites.

Bukod dito, problema rin ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng namimili ng COVID-19 vaccine brand.

Sa huli, ay hinikayat muli ni Tumulak ang kanilang mga residente na magpabakuna lalo’t karamihan sa mga namamatay na COVID-19 patients sa lungaod ay mga unvaccinated.

Facebook Comments