Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas tumaas ang kumpiyansa ng Pilipinas matapos malagdaan ang Reciprocal Access Agreement na parehong mapakikinabangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japanese Self-Defense Forces.
Ayon sa pangulo, masaya siyang masaksihan ang lagdaan ng kasunduan na nagpalakas sa kumpiyansa ng bansa at sa ibinigay na importansya ng Japanese government sa nasabing kasunduan.
Natupad na aniya ang negosasyon na isinulong nila noong Nobyembre na magpapalakas sa partnership ng dalawang bansa.
Nagpasalamat rin si Pangulong Marcos sa pagbisita nina Japanese Foreign Minister Kamikawa Yoko at Defense Minister Kihara Minoru sa bansa para sa mahalagang okasyong ito.
Tiniyak naman ni Minoru na paiigtingin pa nito ang defense cooperation at exchanges ng Pilipinas at Japan upang makamit ang malaya ay bukas na Indo-Pacific.