Kumbinsido ang World Health Organization (WHO) na ang pagtaas ng kumpiyansa ng mga tao sa bakuna ang dahilan para muling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, dahil sa pagdating ng mga bakuna ay nagsisimula na ang mga tao na hindi sumunod sa health protocols.
Batid din ni Abeyasinghe ang mahabang panahong isinailalim ang mga tao sa mahigpit na lockdown.
Aniya, marami ng tao ang gustong makabalik sa dati nilang pamumuhay bago ang pandemya.
Sinabi ni Abeyasinghe na mapapabilis ang transmission ng virus kung hindi susundin ng publiko ang health protocols.
Isa rin sa nakikita ng WHO official ay ang pagkalat ng mga bagong variants sa bansa.
Nakikipagtulungan na ang WHO sa mga local authoritiy para pag-aralan ang P.3 COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas.