Manila, Philippines – Kumpiyansa ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa inihaing nilang Motion for Reconsideration na mahahabol pa ang kaso laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co. Sa press conference sa Camp Crame – sinabi ni CIDG Dir. Roel Obusan na ang kasong ibinasura ng DOJ panel ay isa lamang sa mga maraming kaso na isinampa nila laban kina Espinosa. Ayon kay Obusan – kung hindi siya kumpiyansa ay hindi na sila maghahain ng mosyon. Pagtitiyak pa ni Obusan – itataya niya ang kanyang pangalan para dito. Itinanggi din ng opisyal na may pagkakamali ang CIDG sa hindi pagtutugma ng mga pahayag ng mga testigo sa kaso. Ikinatuwa din ng CIDG ang pagkakabuo ng Department of Justice ng bagong panel na hahawak sa kanilang inihaing mosyon. Una nang ibinasura ni acting Prosecutor General Jorge Catalan na kasong may kaugnayan sa droga dahil umano self-serving at hindi nagtutugma ang mga pahayag ng mga testigo.
KUMPIYANSA | PNP-CIDG, tiwalang kakatigan ng korte ang kasong isinampa laban kina Kerwin Espinosa
Facebook Comments