Naniniwala nag World Health Organization (WHO) na ang “vaccine optimism” at presensya ng coronavirus variants ay kabilang sa mga dahilan ng paglobo muli ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ayon kay WHO Country Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang pagkakaroon ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna ay dahilan para maging kampante sila at mabalewala ang health protocols.
Naging daan aniya ito para lumakas muli ang hawaan.
Malaki ang tungkulin ng pamahalaan na ipaalala sa publiko na sumunod sa minimum health standards kahit umarangkada na ang pagpapabakuna.
Lumalabas din na nag-aambag din sa pagtaas ng kaso ang presensya ng iba’t ibang variants dahil mataas ang transmissibility nito.
Sa ngayon ang Pilipinas ay mayroong tatlong variants, ang UK variant, ang South African variant, at ang Brazilian variant.