Target ngayon ng lokal ba pamahalaan na mapataas ang kumpiyansa ng mga residente ng San Fernando City ukol sa COVID-19 vaccine.
Sa datos ng lokal na pamahalaan nasa higut 8,000 na ang nakapag parehistro sa Vaccine Management System ng siyudad.
9% dito ang mula sa mga A1 priority group o mga healthcare workers,85% sa A2 o senior citizens at 6% mula sa A3 group o adults with comorbidities.
Sa nasabing Vaccine Management System kabilang dito ang pagsagot kung willing o not willing ang mga ito sa pagbabakuna. Lumalabas na 23% ang willing at 77% naman ang not willing.
Sa kabuuang bilang ng registered frontliners, 77% (575 sa 751) ang ‘not willing’ na mabakunahan habang 80% (5889 sa 7334) naman sa registered seniors ang hindi pa rin ganoon ka-kumbinsidong magpabakuna.
Ayon pa rin sa datos, tanging sector ng may comorbidities ang mukhang positibo ang pagtanggap sa pagpapabakuna. Sa katunayan, 75% (391 sa 523) sa kanila ang nais nang mabakunahan. Kabilang sa sector na ito ang mga residente ng San Fernando na kasalukuyang may ibang sakit. Kaya naman mas vulnerable ang kanilang immune system mula sa viruses gaya ng COVID-19.
Sa ngayon, tinututukan ng lokal na pamahalaan ang information dissemination ukol sa bakuna upang mapataas ang kumpiyansa ng mga ito sa COVID-19 vaccine.