Manila, Philippines – Kumpiyansa si Senator JV Ejercito na maipapasa ang kanilang bersyon ng Universal Health Care (UHC) bill ngayong buwan.
Ayon kay Ejercito, chairperson ng committee on health and demography, nais niyang maaprubahan ang Senate Bill 1458 bago mag-Oktubre dahil dito na magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 2019 midterm elections.
Binigyang diin ni Ejercito, na kailangang itaas ang tobacco tax para mapondohan ang UHC.
Suportado naman ng DOH ang mga panukala ni Ejercito at Senator Manny Pacquiao na taasan ang buwis sa mga produktong tobacco.
Facebook Comments