Kumpletong COVID-19 report kasunod ng pagkamatay ng ilang mga high-profile inmate sa Bilibid, hinihingi na ng DOH sa BuCor

Pinagsusumite ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Corrections (BuCor) ng kumpletong COVID-19 report kasunod ng pagkamatay ng ilang high-profile inmates sa New Bilibid Prisons (NBP).

Sa isang panayam, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na initial reports lamang tungkol sa COVID-19 cases at fatalities ang natanggap nila mula sa BuCor.

Sa ngayon aniya, numero pa lamang hinggil sa COVID-19 situation sa kulungan ang kanilang nakukuha at saka nila beberipikahin ang mga pangalan at pagkakakilanlan ng mga bilanggong tinamaan ng virus.


Una rito, iniulat ng BuCor na 21 inmates na sa Bilibid ang nasawi dahil sa COVID-19 kabilang ang high-profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Facebook Comments