Inilabas na ng Anti-Terrorism Council ang kumpletong listahan ng mga ikinokonsiderang “terorista” at kabilang sa “teroristang grupo”sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pagsasabatas ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 na nagresulta ng pagkabahala ng iba’t ibang grupo dahil sa umano’y paglabag nito sa human rights.
Sa dalawang magkaibang resolusyon na inaprubahan nitong December 9, kabilang sa mga grupong itinuturing na terorista ay ang;
Communist Party of the Philippines
New People’s Army / Bagong Hukbong Bayan
Islamic State in Iraq at Syria in South-East Asia
Dawlatul Islamiyah Waliyatul Masrik
Dawlatul Islamiyyah Waliyatul Mashriq
IS East Asia Division
Maute Group
Islamic State East Asia
Maute ISIS
Grupong ISIS
Khilafah Islamiyah
KIM
Ansharul Khilafah
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Bungos
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Abubakar
Jama’atu al-Muhajirin wal Ansar fil Filibin
Daulah Islamiyah
At iba pang Daesh-affiliated groups sa Philippines
Ang dalawang kopya ng resolusyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ATC Chairperson at inaprubahan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., Vice Chairman ng ATC.