Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang kumpletong listahan ng mga ospital kung saan isasagawa ang pilot vaccination para sa mga edad 12 hanggang 17 na may comorbidities sa Oktubre 15.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
-Makati Medical Center
-St. Luke’s Hospital
-Philippine Children Medical Center
-National Children’s Hospital
-Philippine Heart Center
-Pasig City Children’s Hospital
-Fe Del Mundo Medical Center
-Philippine General Hospital
Una nang inilabas ng DOH ang listahan ng mga comorbidities ng mga kabataan na kasama sa vaccination kung saan kabilang ang mga sumusunod:
-Medical complexity
-Genetic conditions
-Neurologic conditions
-Metabolic / endocrine
-Cardiovascular disease
-Obesity
-HIV infection
-Tuberculosis
-Chronic respiratory disease
-Renal disorders
-Hepatobiliary
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan ay may clearance ng doktor ang mga kabataan na may comorbidities na babakunahan gayundin ang consent ng magulang na dapat pipirma sa dokumento at may assent o pagpayag ng batang babakunahan.
Pinayuhan din nito ang mga magulang na irehistro sa kanilang Local Government Unit (LGU) ang kanilang anak para maisama sa vaccination.