Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang ganap na rehabilitasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, ang karapatang makapagbyahe ng mabilis, ligtas at convenient ay mahalaga sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Aniya, maliban sa epekto nito ay magkakaroon ng dekalidad na buhay at may signipikanteng maitutulong para mapaandar ang ekonomiya.
Sa ngayon, mas maraming train unit na ang nag-o-operate sa transit line.
Nai-upgrade na ang mga signaling, communication at CCTV systems.
Nakumpuni na ang mga escalators at elevators sa lahat ng mga train stations.
Upang ipagdiwang ang pagkakumpleto ng rehabilitasyon, may libreng sakay ang MRT-3 para sa riding public na nagsimula noong March 28 hanggang April 30, 2022.
Umaasa ang CHR na makukumpleto ang iba pang rehabilitation work sa transport systems.
Isinusulong din ng CHR ang pagpasa ng Senate Bill No. 1064 o ang Bill of Rights of Commuters, Promoting Safe and Accessible Public Transportation na higit na magpapabuti sa public travel sa bansa.