KUMPYANSA | Mindanaoan Congresswoman, tiwalang makakapasa sa constitutionality ang BBL

Manila, Philippines – Tiwala si Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan na makakapasa sa constitutionality test ang Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Sangcopan, kampante siya na sumusunod sa Constitution ang ipinasang BBL dahil dumaan ito sa maraming pagdinig sa Kamara, public consultation at sa caucus.

Tulad ni Speaker Pantaleon Alvarez, aminado din si Sangcopan na pwede pa ring makwestyon ang BBL sa Supreme Court.


Pero giit ni Sangcopan, sa bawat ipinapasang batas sa Kongreso ay may separability clause.

Ibig sabihin, kung ano lamang ang probisyon sa BBL na maideklarang “void” ay iyon lamang ang maaapektuhan.

Malaki ang pagasa ni Sangcopan sa BBL na ito lamang ang tanging paraan para makamit na ang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.

Facebook Comments