“Kumusta Kabayan” tapp digital welfare monitoring system para sa mga OFW, inilunsad ng DMW-OWWA

Inilunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang “Kumusta Kabayan” app.

Kung saan maaaring i-download ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga mobile phones para sa mas mabilis at agarang tulong o anumang emergency.

Ang Kumusta Kabayan app ay isang digital welfare monitoring system na naglalayong tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFWs saan mang panig ng mundo.

Kasama rin sa app ang kumpletong hotline numbers ng DMW-OWWA na 1348 na maaaring tawagan ng mga OFWs 24/7 para sa anumang emergency.

Sa pamamagitan ng app, ang mga OFW ay mabilis na ring makatatawag sa DMW para sa anumang tulong mula sa DMW AKSYON Fund, gaya ng repatriation, legal, pinansyal, at reintegration assistance.

Facebook Comments